Balagtasan:
Isang Pagtatanghal
Para Sa
Creative Curriculum(May 27, 2012)
Eduardo Malle Jr. (blogsite owner)
Eduardo Malle Jr. (blogsite owner)
K
to 12 KURIKULUM:LANGIT O
PASAKIT?
Sinulat ni: Angel A. Yasis, Jr.
Pangkat Totoo:
1.Angel A. Yasis, Jr.
2.Josephine Q. Entico
3.Sarah M. Adano
4.Lalaine A. Perez
5.Annabel S. Fernandez
6.Angelo L. Nabia
7.Lea C. Carabot
8.Ryan S. Sioco
9.Janet G. Bradecina
10. Leslie H. Brofas
11. Ray Anthony B. Pedroso
12. Ma. Alilie U. Valeros
Professor: ARNULFO M.
BALANE
Schools
Division Superintendent
BALAGTASAN:
K TO 12; LANGIT O PASAKIT?
Ni: Sir Angel A. Yasis, jr.
LAKANDIWA:
Mapayapang pagbati po/ ang nais kong
ipaabot,
Sa lahat ng nariritong /nakikinig,
nanunuod,
Lalong higit sa ’ming gurong/ parang
hindi napapagod,
Sa pagtupad sa tungkulin/ at dibosyong
nag-uutos.
Sa ilaw po ng tahanan,/ mga inang maalaga,
Sa haliging anong tibay, /mga amang
mapagpala,
Pag ang ilaw ay nawala /ang haligi ay uuga!
Edukasyon ang tutugon /sa tahana’t
buong bansa.
Pasens’ya na kayong lahat/ kung kami ma’y makialam
Sa usaping apektado/ ang maraming
mamamayan.
Edukasyon ang s’yang susi/ sa
marangyang kabuhayan.
Kamangmangan ang salarin/ sa dagok ng
kahirapan!
Ito po ay balagtasang/ merong tugma’t merong sukat;
Na sabayang pagbigkas pang/ kami lang
ang nakatuklas,
Patula na pagtatalong/ masining at
mabulaklak
Katutubong kayamanan,/ tradisyon ng
Pilipinas!
Sir Balane kayo na po/ ang bahalang
magpatawad,
Kung sakaling magkukulang/ ang
kat’wirang ilalahad.
Sa naritong taong madla’y/ ganon din
ang pakiusap
Palinawin ang malabo/, yon ang aming
tanging hangad.
Ang K to 12 Kurikulum/ dapat ba raw
tangkilikin,
Dahil ito ang s’yang tugon /sa
maraming suliranin?
O dapat bang ibasura/ ang K to 12 ay
ilibing,
At baka raw lalong ito’y/ pasakit ang
dulot sa ‘tin?
Ang dalawang maglalaban/ ay atin nang
bigyang-pansin,
Na sana ay makatulong/ sa problemang
lulutasin.
Una muna ang PASAKIT/ kanina pa
nanggigigil,
Tutol silang ang K to 12/ Kurikulum ay
gamitin!
1
PASAKIT (1 Tindig):
Kami po ay makatang /sa tulaa’y sadyang
hinog,
Sa labanan/ ang katulad /ay kidlat at
saka kulog,
Sa pagtula nalilibang,/ sa pagtula
nabubusog.
Kaya’t handang ipagtanggol/ panig
namin kahit tulog!
Matuwid daw/ na landasin/ ang nais na/
taluntunin
Ng magaling/ na pangulong /nagnanais /na pawiin.
Kauhawan sa edukasyong/ minimithi/ lahat natin
Ang K to 12/ mas malamang /PASAKIT ang dulot sa ‘tin?
Kami pong mga magulang/ hanggang ngayo’y/ litung-lito.
Di malaman ang gagawin /sa maraming/ pagbabago.
Ayaw man naming tanggapin/ K to 12 na inihahain,
Parang walang magagawa/ kahit anong aming gawin.
Ang panig po/ ng PASAKIT/ hanggang ngayo’y/ naghihirap,
Kumakayod/ araw-gabi/ at pagod ay dumaragdag.
Parang walang/ pakialam/ ang gobyerno /sa mahirap,
Habang kami’y/ nagugutom/ sila nama’y/ nabubundat!
LAKANDIWA:
Atin ngayong mapapansin /sa kanilang
unang tindig
Buo
nilang kalooban/ ay talagang nag-iinit,
Ngunit bago magpatuloy/ sa kanilang
pagsusungit,
Akin munang tatawagin /manananggol ng
K to 12!
Manananggol ng K to 12/tindig kayo’t
bumandila.
At ang inyong katuwiran,/dito ninyo
ipakita!
Gamitin n’yong panghambalos/ at
pansalag ay ang dila…
Sa pagtulang maindayog/maalindog at
mabisa!
LANGIT (1 Tindig):
Kami pong naririto’y /mga gurong /matulain.
Nagtutula/ raw si tatay/ noong kami/ ay gawain,
Habang yaong/ aming ina’y/ sumasagot/
ng awitin,
Kaya’t kami /nang umuha,/ may indayog /at
may lambing.
2
Hindi kami/ nagtataka/ kungbakit ba umaayaw
Sa K to 12/ itong aming/ katunggaling/
matungayaw.
Likas naman/ sa ugali /ng tao ang /umaangal
Sa t’wing mayrong /pagbabagong /minimithi
/ang sinoman.
Kaya’t kami’y /napilitan /na dito ay
pumagitna,
Upang aming /bigyang-linaw/ ang malabo
/sa akala.
Kulang lang sa/ impormasyon/ang
katalong/ ngumangawa,
Kaya’t sila’y/ nag-iini/t ignorante /palibhasa.
Kaya’t ngayo’y/ humanda kayo/
katagisang/ mapagbintang…
Yamang kayo’y/ kasangkapang /sa
pag-unlad/ humaharang.
Ang akin lang /pakiusap /buong pusong /kahilingan
Palawakin/ n’yo rin san/a ang puso
n’yo/ at isipan!
PASAKIT (Ika-2 Tindig)
Paano nga ba tutugon/ ang K to 12/
kurikulum?
Ito ba ay pampataas /sa antas ng /edukasyon?
Mapabubuti ba nito /mga batang/
kunsumisyon?
At sa mga/ hanapbuhay/ ay ito ba /ang
solusyon?
Ito ngayon/ ang hamon ko/ dito sa ‘king/ katunggali…
Patunayan /ninyo ngayong/ mabuti ang/
inyong mithi!
Baka naman/ pandagdag lang/ sa gusto
n’yong/ maiuwi,
Sa pondo na/ nakalaan, /pipingas at /babahagi!
Kaya’t kami’y /naririto/ umiiyak, /nanggigigil.
Saan pa kaya/ susungkitin/ ang salaping
/gugugulin,
Na sukat na/ gagastusin/ sa pagdagdag/
ng year level?
Yaong aming/ pagtitiis /sa’n pa kaya /huhugutin?
LANGIT
(Ika-2 Tindig):
Kundi n’yo pa /nalalaman /makinig kayo’t imumulat.
Kurikulum /na K to 12/ sa ‘ting
bansa’y /pampaangat.
Ito’y hakbang /ng gobyerno/, para sa
‘ting /apo’t anak,
Upang sila’y/ magkaroon/ ng bukas na/
maliwanag.
3
Sa K to 12 /tutuklasin/ kung ano ang/ nararapat…
Kakayahang/ lilinangin/ sa anak mong /nangangarap.
Doon sila/ sasanayin/ upang yaong/ abilidad,
Sa trabahong/ papasuka’y/ maging sanay,/ maging ganap.
Ito rin ay/ nakatutok /sa ‘ting mga /mag-aaral,
Upang yaong/ paghihirap /ay magkaro’ng
/kabuluhan.
Yaong dagdag /na panahon/ ay dagdag
ring kakayahan…
Karagdagang/ kaalama’t/ sa kita ay/
karagdagan.
PASAKIT (Ika-3 Tindig):
Nakaluhod /na nga kami’y /nais n’yo
pang/ pataubin,
Sa dagdag na/ paghihirap /dagdag libag/
ang kakamtin!
Hindi kaya/ mauwi lang/ sa pagiging/
kulangutin
Noong aming /mga anak/ ang panahong /gugugulin?
Paano pa /magagawang/ mga anak /patapusin?
Gayong ako’y/ pasmado na’t /malapit
nang/ mag-ulyanin…
Ako’y simpleng/ mamamayan/ at simple
rin/ ang hangarin;
Mapatapos /ang anak ko/ bago ako/
mapalibing!
Kaya’t ako’y /nagtataka/ sa K to 12 /ninyong
alay;
Pinahaba/ ang panahon/ kagastusa’y /nadagdagan…
Samantalang/ bakit noon /ang panaho’y/
maikli lang?
Mga bata’y /matalino’t/ masunurin/ sa
magulang!
LANGIT(Ika-3 Tindig):
K to 12 ang/ kasagutan /upang ika’y /makatipid,
Sa gastusi’t/ sa panahon,/ makinig
ka’t/ isusulit.
Senyor hayskul gradweyt pa lang /ay
meron nang sertifikeyt,
At meron nang / kasanayang/ sa trabaho’y /magagamit.
Kung ikaw ay ama’t ina /na wala ngang/ pampaaral…
Senyor Hayskul na anak mo’y/ pwede ka
nang/ matulungan.
Hindi ka na /gagastos pa/ kung
talagang /kinukulang…
Lalo pa at/ ang ‘yong anak, /kakayaha’y/
bokasyonal.
4
At di mo ba/ nalalamang/ isa itong/ bansa natin…
Na may basic/ education /na
maikli /at putlain?
Kaya’t ngayo’y /panahon na/ sa
tulungang /pagtatanim,
Upang yaong/ mga anak,/ natin bukas,/
may anihin!
PASAKIT (Ika-4 Na Tindig):
Aani ng /mga bungang/ hindi hinog/ sa panahon,
Dahil parang/ kinalburo,/ hindi
handa’y/ isinulong!
LANGIT (Ika-4 Na Tindig):
Isinulong/ dahil ito/ ang s’yang tiyak/
na tutulong,
Natatanging /programa at/ natatanging/
kurikulum!
PASAKIT (Ika-5 Tindig):
Kurikulum…/ Ano ba yon? /Makakain/ pag
nagutom!?
LANGIT
(Ika-5 Tindig):
Magugutom /ka talaga/ pag hindi ka /sumang-ayon!
PASAKIT (Ika-6 Na Tindig):
Sasang-ayon /lamang kami,/ pag nawala/
ang korupsyon!
LANGIT (Ika-6 Na Tindig):
Ang korupsyo’y/ mawawala/ sa mabuting /edukasyon!
LAKANDIWA (Ang Hatol):
Sandali lang! Hintay muna!/ Baka kayo’y magsakitan!
Baka kayo ay mahighblood/bumaba ang inyong sugar.
Ang
hangarin natin dito’y /ang malabo’y mapalinaw…
Mawawalang silbi ito/ kung laging
magsisigawan.
Sa pagkakataong ito/ ay akin nang puputulin,
Itong ating balagtasan/ kahit tayo’y
medyo bitin.
Bilang dito’y lakandiwa /ay ako na ang
pipigil,
Bago pa may magkawalk-out/bago pa may
himatayin.
5
Hindi natin masisisi /kung mag-alab ang damdamin
Nitong panig ng PASAKIT/ na ngayon ay
nanggigigil.
Kung ang hangad nila ngayo’y/
pandugtong lang sa pagkain…
Hangad naman nitong LANGIT/ ay buhay
ng bansa natin.
Sino ang di magagalit, /sino ang di
mayayamot?
Pag hindi mo malalaman/ang totoong
niloloob.
Ng K to 12 Kurikulum/mamamatay ka sa
himutok!
Lalo’t ang ‘yong hanapbuhay/paglalako
ng tinumok!
Hindi
natin makakamtan / pangarap
na kaunlaran,
Kung
ang ating iisipi’y/
pansariling kapakanan.
Ang
mabigat na desisyon/ pag di
natin sinimulan…
Kundi
tulog sa pansitan, /pupuluti’y sa kangkongan!
Ang anumang layo ‘t agwat / kaylan ma’y di
mararating,
Kung titingna’t uupo lang/ at
di natin lalakarin.
Kundi ngayon
sisimulan / ang malawak na
lakbayin,
Sa
lugar mong nadapaa’y/ doon ka na ililibing!
At sa tinipak-tipak nga/ ng ‘yong mumunting palakol,
Ay
sukat nang makatibag/
ng malaking punongkahoy!
Kapag ikaw ay nasanay / sa maghapong kasisipol …
Kakabagin
ang tiyan mo’t/ utot lang ang maiipon!
At
ang isang batong
buhay/ na malaki’t sakdal-tigas…
Sa
tikatik na
pag-ulan /ay sadya
ring naaagnas.
Yaong tubong padaluyan/pag barado’t walang
butas…
Ang tubig
at saka katas/ di lalabas, di tatagas!
Kaya’t yaong
aking hatol / patuloy na
pagbabago
Dahil ito
ang totoo,/at sigaw
ng buong mundo
Magtulungan tayong
lahat / mga kapwa Pilipino
Kailan pa ?
Kundi ngayon! At
sino pa? Kundi tayo!
TANGKILIKIN ANG K
t0 12, PARA SA’TING MGA
APO!
6